A Poem To My Friends
Tibok ng puso ko’y dinggin mo sinta,
Sana’y marinig ang katagang mahal kita,
Dalawang mundo nagsanib bilang isa,
Kung panaginip ito’y sana hindi na magising pa.
Bughaw na langit ang nakaguhit sa may bintana,
Sa apat na sulok ng silid tanging ikaw ang alaala,
Ibigin mo ako ang tanging hiling kay bathala,
Matupad man o hindi, handa akong magparaya.
Kay tagal inasam ang iyong yakap at halik,
Ang pag-ibig na naglaho ay muling nanumbalik,
Kung ako ang musika, ikaw naman ang mga titik,
Sabay tayong lumikha ng magagandang himig.
Umaasang makamit ang matamis mong oo,
Dahil damdamin ko sa yo ay wagas at totoo,
Sa mga panahon na lumipas ito ang napagtanto,
Hahamakin ang lahat para masungkit ang pag-ibig mo.

2 Comments:
Ayayay, ang lalim ng tagalog, tumataas ang kilay 2005 ko.
Hmmm, hwag kang mag alala tiqboy, malapit ka nang maka-uwi. Pagdating mo sa airport, akapin mo syang mahigpit hanggat madurog durog ang mga buto nya.
Para kay Dops, hoy pakitingan nga sa date nung ako ay nag comment. November 9 yun tapos nag breakdown puter ko bandang 2am Nov 10 dito. Hehehe. it's nice to be back pare.
Sunday, November 13, 2005 7:49:00 PM
Ha ha ha.. kayo ha!! gawin bang mailbox ung blog ko?! ahihihi Joke! it's nice to hear from both of you.. :-D
Yeahh... sana makauwi na..
Sunday, November 13, 2005 8:00:00 PM
Post a Comment
<< Home